Endemic

 

Endemic, meaning sa atin lang, indigenous, native. Endemic daw ang corruption natin. Tutuo naman.

Treysin natin ang puno’t dulo ng corruption:

Gwapo siya. Maganda magsalita. Maaring isa siyang artista, o dili kaya, anak siya ng kilalang tao sa lipunan. Maganda ang buhay. Maganda ang asawa. Malamang heterosexual, malamang magaling sa chikas, mukha talagang panalo.

Tumakbo para congressman, natural, nanalo. Wait, bago nanalo, inispoil na niya nga pala ang mga botante. Hindi lang siya madaling lapitan (translation: madaling hingan ng pera), tatawagan pa niya ang pulis o barangay kapag may problema ka, kaya lusot ka. Pag-araw ng eleksyon, heto na, P500 to P2,000 ang presyuhan, bumoto ka lang. ‘Di ka niya hihingan ng pruweba kung ibinoto mo siya o hindi, ang Pinoy kasi marunong tumanaw ng utang na loob, kaya sure na sure siya na siya nga ang binoto mo.

Nanalo. Umupo. Sikat.

Since naumpisahan na niya ang bad habits of a politician, ano pa nga ang gagawin niya kundi ipagpatuloy ang nakagawiaan, ang nakagisnan. So, imbes na ang nase-serve, eh, ang komunidad o ang bayan, ang nase-serve eh, yung interes ng botante na interes na rin ng hinalal na wala rin naman kung hindi dahil sa botante na wala rin namang matatakbuhan (translation: mahihingan ng pera) kundi ang naihalalal na ‘di na bale kung palpak, basta panalo lang ang botante kahit na mali naman ang direksiyon kasi nga I’ll scratch your back, you scratch mine kind of public service.  Ganyan ang simula, ganyan din magtatapos.

Kaawaawang bayan.

Ngayon ito ang tanong, sino ang mas corrupt, ang botante o ang elected official? Sino ang nagumpisa ng culture of I-Me-Mine, ang botante o ang naihalal? Sino ang puno’t dulo nitong kabalbalan na ito?

An example:

Nareklamuhan ang isang bank branch officer, naka-withdraw nang ‘di dapat ang Japayuking asawa ng isang Hapon. Tumawag ng pulis ng lungsod ang Hapon. Ano ang ginawa ng bank officer? Tumawag sa kaibigang nagtratrabaho sa Malacañang, mataas kasi ang posisyon ng kaibigan. Hindi natuloy ang pagdating ng mga pulis. Tumawag ang Malacañang sa hepe ng pulis, at siguro sinabi, “Hwag na po, tao namin yan,” parang ganun. Maganda naman, dahil nagtutulungan ang magkakaibigan. Pero kailan matatapos ang friendship at maguumpisa ang justice and fairness? Saan tatakbo ang walang impluwensyang tao?

Kaya sa ‘Pinas, hindi importante what you know, ang importante whom you know, ‘di ba?

Marami pang example. Yung naglalagay ng calling card ng heneral sa Driver’s License, at lalayo pa tayo, sa Maguindanao, 58 na katao ang pinatay dahil malakas ang leader ng probinsiya sa pinuno ng bayan.

Ngayon, Napoles. Bukas, sino? Kailan pa tayo matututo? Kailan pa natin maiintindihan na may role din tayo sa corruption, na pinalalaki natin ang ulo ng mga pinuno natin para may matatakbuhan tayo, para may backer tayo?

Endemic. Tayo lang naman ang taong ganito. Mag-aral kaya tayo kung papano umunlad ang ibang bayan. Tanggapin kaya natin na sa atin din naman naguumpisa ang corruption, dahil insecure tayo at ‘di makatatayong mag-isa, na magiging independent lang naman tayo sa politiko kung tama ang gagawin natin, that we follow the law and have nothing to fear? That we will work by the sweat of our brow without depending on the giveaways of politicians who will use us to perpetuate themselves in power.

Kailan pa?

Add Comment Register



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Connect with Facebook

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>