Magtago Ka Na

JLN 15August2013

 
Hintay ka muna, isa lang naman pala
ang bibig mo, dalawa rin naman ang
mga mata mo, dalawa ang tenga, isang
ilong, noo isa, ulo isa, tao ka rin naman
pala Janet, siguro pwede na rin kita
tawaging Janet, kahit tingin ko halimaw
ka, napakawalanghiya mo, akalain mo
pati si Cardinal Tagle na palaging nakangiti,
eh, napaiyak mo, halimaw ka talaga, kung
sumagot ka nga, eh, para kang si Michael
Fajatin, mali-mali, nangangapa, pero hanep
kung dumale, ‘di na natuwa sa thousands
kung magnakaw, millions, billions kung
dumale, ngayon fugitive ka na, ‘di ba
palatandaan yun ng taong may kasalanan,
naku, Janet, kapag nakita ka ng asawa ko,
pati mata mo may latay, antapang yata ng
asawa ko, ba’t naman hindi, eh, lahat kami
ninakawan mo, ganito ang siste, kung hindi
kami magagalit sa ginawa mo, dapat nga
kaming nakawan, bale wale naman sa amin
ang pera ng bayan, kaya tandaan mo, Janet,
pag nakita ka ni Baby, magtago ka na.

Add Comment Register



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Connect with Facebook

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>